Half-Truth Preachers (Part2)

There’s nothing wrong with preaching blessings, keys to success and prosperity. Pero kung puro na lang ganun ang itinuturo palagi, hindi na tama iyon! Ano na lang ang mangyayari sa mga mananampalataya? Malamang baka maging successful nga sila sa buhay pero lumalago ba sila bilang mga lingkod ng Diyos? Kung puro na lang half-truths ang itinuturo, useless lang din yun kasi parang hindi ka na rin nagturo ng katotohanan!

Preach the true and full Gospel of Christ!

H’wag puro maganda lamang sa tenga ang ipinapangaral.

The [whole] truth hurts because it is the [whole] truth and the [whole] truth will truly sets us free!

Advertisements

Half-Truth Preachers (Part 1)

Maraming nagkalat na mga mangangaral na half-truths lang ang itinuturo. ‘Di ko sinasabi na ‘yong kalahati ay kasinungalingan, ang ibig kong sabihin hindi buong katotohanan ang ipinapangaral nila. Totoo ang ipinapangaral nila pero hindi nga lang buo at kadalasan yung maganda lang sa tenga tulad ng blessings and prosperity, puro na lang blessings and prosperity. Puro na lang tungkol sa tithes, kung paano magiging successful in all areas of life, atbp., pero di nila tinuturo yung about sa Hell, punishment, end times, atbp. Half-truth lang at hindi yung whole truth.

Does half-truth sets us free? Does it saves us?

Dapat buong aral mula sa Diyos na nakasulat sa Bible!

Walang pinipili at walang iniiwasan!